World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

October 29, 2020 @ 1:42 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Iaapela umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two-year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.

“The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.

“Mr. Coleman has nothing further to say until such time as the matter can be heard in the Court of jurisdiction.”

Matatandaang nagwagi si Coleman sa men’s 100 meters noong isang taon sa World Championships sa Doha at itala ang world-leading time para sa season na 9.76 seconds.

Agad na sinuportahan ng World Athletics’ Disciplinary Tribunal ang isinampang kaso at banned sa 24-years-old American ng dalawang taon na nagsimula noong May 14, 2020.

Kung mananatili ang ban, hindi makalalahok si Coleman sa Olympic Games sa Japan kung saan siya ang paboritong makakuha ng 100m gold medal. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...