World Day of the Poor, gunitain – Advincula

World Day of the Poor, gunitain – Advincula

November 11, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng paggunita ng World Day of the Poor hinamon ni Manila Archbishop Jose Carinal Advincula ang mananampalataya na ipadama sa mga mahihirap higit sa mga biktima ng dimaan, pandemya at kalamidad ang patuloy na pakikiisa at pagkalinga.

Ang paggunita ng ikaanim na taon ng World day of Poor ay gaganapin sa Nobyembre 13 na may temang “For your sakes, Christ became poor”.

Sinabi ng Cardinal na alinsunod sa tema ng pagdiriwang, dapat pagnilayan ng mananampalataya ang diwa ni Kristo na nakiisa sa paghihirap ng sangkatauhan sa iba’t ibang paraan.

“The World Day of the Poor comes this year as a healthy challenge, helping us to reflect on our style of life and on the many forms of poverty all around us,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inaanyayahan naman ng Arsobispo ang bawat parokya na isabuhay ang temang: ‘Pakikilakbay sa mahihirap kay Hesus Kristo tungo sa katarungan at nakapagpabagong pagtataya’.

Ipinaalala rin niya na hindi lang sa Nobyembre 13 dapat kalingain at tulungan ang mga mahihirap.

Muli rin tiniyak ni Advincula ang paghahandog ng arkidiyosesis ng programa sa pamamagitang ng RCAM-Commission on Social Services and Development (CSSD) na layuning matulungan ang 500 mahihirap na indibidwal sa mga lugar ng Malate, Ermita at Paco, Manila.

Ang programang idadaos ng arkidiyosesis sa pangangasiwa ni Father Eric Adoviso – Commissioner ng RCAM-CSSD ay isasagawa simula ikaanim ng umaga hanggang ikalawa ng hapon na magbibigay ng pagkakataon upang makaligo, makakain at magkaroon ng libreng gupit sa mga benepisyaryo.

Sa ganap namang ika-10 ng umaga ay idadaos ang banal na misa bilang paggunita sa World Day of the Poor na agad susundan ng pagpapakain sa mga mahihirap at pamamahagi ng mga food packs at hygiene kits. Jocelyn Tabangcura-Domenden