World Day of the Poor ni Pope Francis, pinasusuportahan ni Risa sa Senado

World Day of the Poor ni Pope Francis, pinasusuportahan ni Risa sa Senado

October 26, 2020 @ 12:34 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naghain ng isang resolusyon si Senador Risa Hontiveros na humihiling sa Senado at publiko na suportahan ang pagdiriwang at obserbasyon ng  4th World Day of the Poor  sa November 15,  2020 na pinangunahan ni  Pope Francis noong 2017.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros sa Senate Resolution No. 550  na akma ang tema ng selebrasyon, “Stretch Forth Your Hand to the Poor” bilang paalala sa pamahalaan na lutasin kundi man, pagaanin ang paghihirap ng mamamayan at mangakong gagawa ng mga patakaran upang tapusin ang kahirapan sa lahat ng porma nito.

“As a leading social and political institution in the country, we, in the Senate, must recognize our shared responsibility for the promotion of social justice for the poor, and commit to enable policies that would put an end to poverty in all its forms,” aniya.

Sinabi ni Hontiveros sa resolusyon na dapat nang kumilos ang pamahalaan na abutin at pagsilbihan ang mahihirap sa gitna ng pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19) na milyong mamamayan ang nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan kaya mas dumami ang naghihirap.

“Ngayong nasa gitna tayo ng krisis, mas marami ang nagugutom at naghihirap. We can’t turn a blind eye to them. Now, more than ever, we need to sustain our compassion to help the poor and reach out to them. Bilang lingkod ng bayan, huwag natin silang kalimutan. Huwag natin silang pabayaan at patuloy tayong magsilbi para sa kanila gaya ng ating sinumpaan,” aniya.

Tinukoy pa ng senador na isang imbitasyon ang World Day of the Poor sa panalangin at pagkakaisa sa mahihirap na nagdudusa at bilang ekspresyon na kalingain sila at kanilang pangangailangan nang walang hiniihinging kapalit.

“The World Day of the Poor aims to spread awareness about the needs of the poor and the disadvantaged,” she said. “Isa itong paalala, hindi lang sa mga nasa katungkulan, kundi sa lahat, na huwag isantabi ang mga kababayan nating naghihirap, bagkus alalayan sila. Let’s move forward together, hindi pwedeng may maiiwan,” anang mambabatas.

Bilang mambabatas, nangako si Hontiveros na siya ang magiging boses ng sekto at kinatawan ng mahihirap. Kumikilos din ang mambabatas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng batas upang mabawasan ang di pagkapantay-pantay na pawang makatao at people-centered at nangakong ipaglalaban ang anumang panukalang anti-poor. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...