World emoji day, bagong emoji rin!

World emoji day, bagong emoji rin!

July 17, 2018 @ 3:58 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Minarkahan ng Apple ang selebrasyon ng World emoji day ngayong Martes (July 17) sa pamamagitan ng paglunsad ng mahigit sa 70 na bagong emoji character.

Aabangan ang mga bagong emojis na ito sa iPhone, iPad, Apple Watch at Mac kung saan bibigyan nito ng pagkakataong maipakita o irepresenta ang mga indibidwal na may red hair, gray hair at curly hair pati na ang mga kalbo.

Mayroon ding bagong smiley na magpapakita ng mas maraming emosyon gaya ng nagyeyelong mukha, party face, pleading face at mukha na may tatlong heart.

Nagsabi rin ang Apple na magkakaroon din ng bagong animal emoji na kinabibilangan ng lobster, peacock at kangaroo.

Marami rami rin daw madagdag na emoji sa sports, symbols at marami pang iba.

Susunod ring ilulunsad ang bagong superhero emoji, softball, infinity symbol at nazar amulet. (Remate News Team)