World no. 1 Duplantis tinalo ni Obiena

World no. 1 Duplantis tinalo ni Obiena

September 3, 2022 @ 1:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines -Nakamit ni Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang isang matamis na tagumpay ngayong Sabado (Maynila time) nang talunin niya ang world no. 1 na si Armand Duplantis sa Brussels leg ng Diamond League.

 Nakuha ni Obiena ang 5.91 metro sa torneo para maibulsa ang ginto sa tatlong pagtatangka, na hindi nagawa ni Duplantis.

Nagkasya na lang sa silver  ang Olympic gold medalist sa torneo na may 5.81 metro habang siWorld no. 2 Chris Nilsen ay pumangatlo na may 5.71 metro.

Sa isang post, sinabi ni Obiena na ‘nakagawa siya ng core memory’ mula sa kanyang unang panalo sa Diamond League.

Nakakuha si  Obiena  ng mga gintong medalya sa nitong mga nakaraang linggo, kasama ang pinakabago sa St. Wendel City.RICO NAVARRO