World Pool title target ni Gomez



World Pool title target ni Gomez

June 10, 2021 @ 9:04 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Inilalaban nang husto ni Roberto Gomez ang bandera Pilipinas sa 2021 World Pool Championship matapos itong umusad sa Round-of-16 matapos ang back-to-back na panalo sa labang ginaganap sa Marshall Arena, Milton Keynes, England.

Patuloy ang pananalasa ni Gomez sa knockout rounds kung saan winalis nito ang unang dalawang kalaban sa preliminaries na sina Muhummed Daydat ng South Africa sa iskor na 11-2 at Aloysius Yapp ng Singapore, 11-7.

Target ng 42-year-old cuemaster mula sa Zamboanga na matalo si Skyler Woodward ng USA upang makausad sa semis at sumagupa sa titulo.

Nakapasok si Woodward sa Last-16 matapos gibain ang defending champion na si  Fedor Gorst ng Russia, 11-8, bago durugin si Bahram Lotfy ng Denmark, 11-2. Rico Navarro


  •  
  •  
  •