World War 3 ibinabala ng Russia sa US

World War 3 ibinabala ng Russia sa US

April 27, 2022 @ 12:57 PM 2 months ago


MOSCOW – Mariing nagbabala ang Russia na hindi pupwedeng isantabi ang paggamit nito ng bombang nukleyar at pagsabog ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig sa ginagawa ng United States na pakikidigma sa Russia sa pamamagitan ng ibang bansa.

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na lehitimong target ng pwersang Russia ang lahat ng mga armas pandigma na ipinadadala US at mga miyembro ng North Atlantic Treay Organization sa Ukraine.

Malalakas at malalaking armas ang pinadadala ngayon ng US sa Ukraine at nagsimula na ring magpadala ang Germany ng mga tangke de giyera.

Hindi naman malinaw kung masasama sa tira ng Russia ang mga bansang nakapaligid sa Ukraine na nagsisilbing daluyan ng mga armas.
Samantala, naniniwala naman ang US na hindi gagamit ang Russia ng tactical o limitadong bombang nukleyar kung panakot lang umano ito. RNT