World’s ‘longest’ gas supply deal, tinintahan ng Qatar at China

World’s ‘longest’ gas supply deal, tinintahan ng Qatar at China

November 22, 2022 @ 8:28 AM 2 weeks ago


DOHA, Qatar – Inanunsyo ng isang oil firm sa Qatar ang pagselyo nito sa isang 27-taong natural na kasunduan sa supply ng gas sa China, na itinuturing na pinakamatagal na kasunduan na nakita sa industriya.

Sa nasabing kasunduan, magpapadala ang QatarEnergy ng apat na milyong tonelada ng liquefied natural gas taun-taon mula sa bagong North Field East project nito sa China Petroleum and Chemical Corporation (Sinopec), sabi ng kumpanya.

Ang deal “marks the longest gas supply agreement in the history of the LNG industry”, sabi ni Saad Sherida Al-Kaabi, ministro ng enerhiya ng Qatar at punong ehekutibo ng QatarEnergy.

Bukod pa rito, inihayag din ng Sinopec na humiling din ito ng buong bahagi ng proyekto ng North Field South na pinangungunahan ng mga higanteng enerhiya sa Kanluran.

Ang North Field ay nasa sentro ng pagpapalawak ng Qatar ng liquefied natural gas production nito ng higit sa 60 porsiyento hanggang 126 milyong tonelada bawat taon pagsapit ng 2027.

Ang mga bansang Asyano na pinamumunuan ng China, Japan at South Korea ang pangunahing pamilihan para sa gas ng Qatar, na lalong naging in-demand sa mga bansang Europeo mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine. RNT