“World’s Ugliest Dog 2018,” nasungkit ng isang bulldog

“World’s Ugliest Dog 2018,” nasungkit ng isang bulldog

June 25, 2018 @ 9:01 AM 4 years ago


California- Nasungkit ni Zsa Zsa, isang 9 year old English bulldog ang titolo bilang “2018 World’s Ugliest Dog” sa isang paligsahan na ginanap sa San Francisco Bay Area.

Sa mga nagtataka, ang layunin talaga ng “World’s Ugliest Dog contest” ay upang bigyan ng selebrasyon ang mga natatanging aso kung saan karamihan sa mga ito ay na-rescue lamang sa kanilang dating tahanan at siyempre upang i-promote rin ang pet adoption.

Naiuwi ni Zsa Zsa ang korona noong Sabado kung saan tinalo niya ang 13 pang mga aso. Rumampa siya sa red carpet na mayroong nakalaylay na dila, sobrang haba na malapit na itong umabot sa sahig at iba pa niyang imperfections.

Naiuwi ni Megan Brainard mula Anoka, Minnesota ang $1,500 bilang premyo sa nasabing contest.

Noong nakaraang taon, nasungkit naman ng isang 125-pound (57-kilogram) gentle giant na si Martha ang korona. (Remate News Team)