‘Worst flooding’ naranasan ng Tuguegarao; mayor umapela ng tulong

‘Worst flooding’ naranasan ng Tuguegarao; mayor umapela ng tulong

November 14, 2020 @ 2:19 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinuring na ‘worst flooding’ ang nararanasan sa Tuguegarao sa inabot nitong mataas na baha at patuloy na pag-apela ng rescue sa gitna ng pandemyang nararanasan.

 “First time po ito nangyari sa amin. The last time we had this is in 1972 pa po. Ngayon po ang pinaka malaking flooding sa amin sa siyudad since 1972,” saad ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa isang panayam.

Nasa 39 mula 49 barangays sa Cagayan province capital aniya ang lubog ngayon sa baha dahil sa mga tubig na nagmula sa Nueva Vizcaya, Quirino, at Magat Dam sa Isabela.

“Tuloy tuloy po yung Magat, ang pinakawalan po ng Magat is more than 2,500 cubic meters per second. It reaches Tuguegarao and nearby town in about seven to nine hours, minsan sa bilis mga five to nine hours andito na po yung tubig na pinakawalan ,” punto pa ni Soriano.

Umapela naman ang mayor sa mas maraming rescue teams para maagapayan ang mga na-trap sa kani-kanilang tahanan.

“Marami pa po ang nangangailangan i-rescue. Ang hirap po diyan is habang nag su-subside po ang water s aiabng lugar, dito po sa Tuguegarao  lumalaki ang tubig.” RNT/FGDC/Rey Velasco


  •  
  •  
  •  

Loading...