Wright ikinasal na sa US

Wright ikinasal na sa US

August 3, 2022 @ 3:57 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ikinasal na si dating Phoenix Super LPG Fuelmasters star Matthew Wright sa kanyang longtime partner na si Gabriela Moscoso!

Ayon sa ulat, nag-post si Wright ng mga larawan mula sa kasal noong Martes na may caption na “Hate to see y’all frown but I rather see her smile.”

Matatandaang na-engaged sina Wright at Moscoso noong Oktubre.

Naglaro si Wright sa kanyang huling laro sa Phoenix noong Hulyo 16. Gayunpaman, wala pang indikasyon tungkol sa kanyang susunod na paglipat sa karera.JC