Writ of habeas corpus pwedeng gamitin ni de Lima, iba pang akusado – Remulla

Writ of habeas corpus pwedeng gamitin ni de Lima, iba pang akusado – Remulla

January 21, 2023 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng gamitin din ni dating Senador Leila de Lima ang writ of habeas corpus para makalaya sa kulungan.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang reaksyon sa naging desisyon ng Supreme Court ng pagbigyan ang writ of habeas corpus ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes na dating tauhan ni Chief Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile.

Ayon sa kalihim, maaring gamitin ng sinuman ang naturang remedyo bilang protreksyon laban sa illegal imprisonment.

Una nang inihayag ng SC First Division na ang writ of habeas corpus ay para sa lahat ng mga petitioner na kumukwestyon sa kaniyang pagkakakulong.

Si de Lima ay limang taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center habang dinidinig ang mga kasong illegal drugs na isinampa ng administrasyong Duterte.

Samantala, kumbinsido rin ang dating SC spokesperson at ngayon ay Free Legal Assistance Group na si Atty. Theodore Te na may epekto sa kaso ng iba pang akusado na nananatiling nakakulong dahil sa mabagal na paglilitis.

“Senator De Lima and among others who can benefit from the resolution should probably try it. Kasi hindi lang naman si senator De Lima dahil marami pang ibang nakakulong na mas mahaba pa kay senator De Lima. They might be able to avail of the benefit, why not?” ani Te.

Maari aniyang gamitin ng kampo ni de Lima ang paghingi ng writ of habeas corpus habang dinidinig ang kaniyang kaso. Teresa Tavares