Wrong parking: Wes Gatchalian, nag-sorry

Wrong parking: Wes Gatchalian, nag-sorry

October 9, 2018 @ 12:56 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Humingi ng tawad si Valenzuela Representative Wes Gatchalian sa isyu ng maling pag-park ng sasakyan sa tapat ng daanan na nakalaan para sa mga persons with disabilities (PWD) gaya ng ipinakikita sa viral na litrado sa social media.

Makikita sa viral photo ang sasakyan ni Gatchalian na nakaharang sa PWD lane sa isang restaurant sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Sa isang open letter na naka-post sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Gatchalian na hindi siya ang nagda-drive ng sasakyan kundi ang kaniyang staff na kaniya nang sinuspinde.

“While it was not me who was driving the vehicle, I believe that it was my duty to ensure that my staff constantly acts in a manner that respects and is conscious of the rights of every person,” ayon sa mambabatas.

“Nothing less should be expected of my office.”

Dagdag pa ni Gatchalian, buo ang kaniyang suporta sa mga polisiyang para sa mga PWD.

“I continue to be a partner of the PWD community in pursuing policies and programs to make our country, especially my district, more accessible to the members of the community. Please accept my deepest apology,” ayon kay Gatchalian.

Matatandaan na kamakailan, isa pang mambabatas, ACTS OFW party-list Representative John Bertiz III, ang umani ng pambabatikos matapos mag-viral ang kaniyang video na nagpapakita ng paglabag nito sa airport protocol at pambabastos sa isang security personel sa Ninoy Aquino International Airport.

Humungi na ng paumanhin ang mambabatas sa insidente ngunit kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon sa House Committee on Ethics and Privileges./Remate News Team