WTA ratings ni Osaka, lumagapak

WTA ratings ni Osaka, lumagapak

February 2, 2022 @ 2:16 AM 8 months ago


MANILA,Philippies – Lumagap ang WTA singles world rankings ni dating World Number 1 Naomi Osaka sa pinakabagong listahan na inilabas  ng Women’s Tennis Association (WTA).

Ayon sa ulat, nasa pang-85 na ang rank ng kontrobersiyal na tennis star.

Sa kanyang career, ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok sa top 50 ang 24-anyos Japanese tennis star.

Matatandaang naging limitado ang paglalaro ni Osaka noong 2021matapos nitong sabihin na naging prioridad aniya nito na alagaan ang kanyang mental health.

Nitong Australian Open, nasa ranked 71 si Osaka at lalong lumaglag ang world ranking nito ng mabigo siya sa ikatlong round ng torneo laban kay Amanda Anisimova ng US.Rico Navarro