WTE, power plant ‘di solusyon sa problema sa kuryente, basura sa Cebu City– Dizon

WTE, power plant ‘di solusyon sa problema sa kuryente, basura sa Cebu City– Dizon

January 23, 2022 @ 1:03 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi makatitiyak na ang paglalaan ng milyong piso sa pagtatayo ng waste-to-energy (WTE) facility at city-operated power plant ay makatutugon sa problema sa basura at kuryente sa Cebu City.

Hinikayat kasi ni Councilor Alvin Dizon si Mayor Michael Rama na i-reconsider o muling isaalang-alang ang kanyang plano na magtatag ng WTE at city owned at operated power plant.

“On the contrary, this will only add to environmental degradation,” ani Dizon.

“As to the first proposal of the mayor, I strongly argue that the adoption of WTE technology is not a solution to address the city’s power generation and waste management system. WTE, which uses incineration, will increase the generation of trash and undermine environmentally sound approaches to managing discards while producing highly toxic pollutants that is harmful to public health,” ang pahayag ni Dizon sa kanyang privilege speech sa City Council’s session noong nakaraang Enero 19.

Nagsalita si Dizon upang ihayag ang kanyang opinyon sa plano ng alkalde na magtatag ng WTE facility at power plant bilang bahagi ng post-Odette recovery plan.

Naniniwala kasi si Rama na ang pagkakaroon ng sariling WTE at power plant ay “will make the city disaster-resilient.”

Sa naging talumpati pa rin ni Dizon, sinabi nito na sa ginawang pag-aaral ay makikita na ang WTE ay nakapipinsala sa kapaligiran.

“These studies show that WTEs produce carbon dioxide 20 times more than the other producers and are considered as contributors to climate change,” ani Dizon.

Dahil dito, hiniling ni Dizon kay Rama na maghanap ng iba pang solusyon sa problema sa kuryente at basura sa lungsod na “sustainable and environment-friendly” gaya ng full implementation ng “Zero Waste” program sa pamamagitan ng “recycling, composting and reuse.”

“If done properly, this will reduce the volume of trash that are sent to landfills,” anito.

Sa plano naman ni Rama na magtayo ng power plant, sinabi ni Dizon na ang pagkakaroon ng coal-fired power plant ay mapanganib para sa lungsod.

“The Cebu City Council sponsored the first ever coal-free resolution in the country. That resolution was passed by the 13th Sangguniang Panlungsod and had been replicated by other local governments. Coal-fired power plants are the main culprit in global warming and contributed about one-quarter of total emissions of carbon dioxide worldwide,” anito.

“A coal power plant which burns dirty and deadly coal to generate electricity has no place in a climate vulnerable city like Cebu. Let us endeavor to promote cleaner and renewable energy that reduces harmful air pollutants,” dagdag na pahayag ni Dizon.

Aniya, sa kabila ng mahalaga para sa lungsod ang maging disaster-resilient, hindi aniya ito dapat gawin “at the expense of the environment.”

Pinaalalahanan din nito si Rama na ang climate change ay natukoy bilang major contributor ng kamakailan lamang na kalamidad na naharap ng bansa at kasalukuyang hinaharap ng iba pang bahagi ng mundo.

“The last thing that Cebu City should do is to aid global warming and be a contributor to future major disasters,” dagdag na pahayag ni Dizon. Kris Jose