WWII bomb sumabog sa defusal op sa Poland  

WWII bomb sumabog sa defusal op sa Poland  

October 14, 2020 @ 12:37 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Poland – Sumabog ang isang malawakang World War II bomb sa delikadong operasyon nitong Martes para i-defuse ang five-tonne device sa isang channel malapit sa Baltic Sea subalit walang iniulat na nasaktan, ayon sa Polish officials.

Nabatid na ang naturang devise na tinawag na “Tallboy” ay kilala rin sa tawag na “earthquake bomb” ay inihulog ng Royal Air Force sa isang pag-atake sa Nazi warship noong 1945.

Nadiskubre ang naturang bomba noong nakaraang taon sa lalim na 12 metro o 29 talampakan kung saan lumabas ang ilang bahagi nito sa isinagawang dredging sa port city ng Swinoujscie sa northwest Poland.

May haba itong anim na metro at may lamang 2.4 toneladang pampasabog na katumbas ng may 3.6 tonelada ng TNT.

Nauna rito, nag-alangan ang navy na gawin ang traditional option ng controlled explosion sa takot na masira ang tulay na may layong 500 metro mula sa kinaroroonan ng bomba.

Sa halip, plinano nitong gumamit ng technique gamit ang remote control device na tutusok sa shell bago simulan ang pagsunog.

Sa huli, natuloy pa rin ang detonation process.

Ayon kay  Grzegorz Lewandowski, spokesman ng 8th Coastal Defence Flotilla ng Polish Navy na nakabase sa Swinoujscie, na-neutralisa nila ang bomba nang walang nadamay na indibidwal.

Nabatid na may 750 lokal na residente ang pinalikas mula sa kinaroroonan ng bomba hanggang sa may layong 2.5 kilometro sa paligid nito subalit may ilang hindi umalis dahil sa takot na mahawa ng COVID-19 sa sports hall na kinaroroonan ng mga residente habang isinasagawa ang operasyon.  RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...