Enrile sapul ng COVID: I am not going to die yet

June 28, 2022 @8:45 AM
Views:
0
MANILA, Philippines – Hindi makadadalo si incoming presidential legal counsel Juan Ponce Enrile sainagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na magpositibo siya sa COVID-19.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Enrile na ipinaalam na niya sa kampo ni Marcos na hindi siya dadalo sa oath-taking na nakatakda sa Huwebes, Hunyo 30 sa National Museum sa Maynila.
Kasalukuyang ginagamot sa Makati Medical Center ang 98-anyos.
“Since three days ago after I entered Makati Med. when I was diagnosed ‘positive’ for COVID virus,” ani Enrile.
“I never had any discomfort. No chills. No fever. No head ache. No malaise. My body temperature ranges from 36 [degrees] to 36.8. My body oxygen ranges from 96 to 99. All my physical vital signs and blood chemistry readings were normal. The only thing I had was a dry intermittent, sometimes intense, coughing. The CT-SCAN showed that I had mild COVID-19 pneumonia,” dagdag pa ni Enrile.
“I informed the Executive Secretary the Hon. Victor E. Rodriguez, about it and requested him to inform the President and ask him that I be excused from attending the oath taking ceremonies of the President and the Vice President on June 30th at noon because I will still be in the hospital by then to complete the Anti-viral regimen prescribed by my doctors,” aniya pa.
Sa kabilang banda, may mensahe naman si Enrile sa kanyang “critics and enemies.”
“I am not going to die yet. Far from it. God gave me very good doctors. He wants me, I humbly think, to stay here for sometime more to engage you to help clear and clean up, if possible, your distorted narrative of our history for the benefit of the uninformed innocent people,” dagdag pa niya.
Ang beteranong mambabatas, na naging defense minister ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong mga taon ng Martial Law, ay isang masugid na tagasuporta ni Marcos Jr. at running mate na si Sara Duterte noong 2022 elections.
Inihayag niya ang kanyang pagreretiro mula sa politika noong 2016. Naglingkod siya sa gobyerno sa iba’t ibang tungkulin sa nakalipas na 50 taon, kabilang ang pansamantalang Kalihim ng Pananalapi mula 1966 hanggang 1968, Kalihim ng Hustisya mula 1968 hanggang 1970, at Ministro ng Depensa ng Pambansa mula 1972 hanggang 1986 .
Si Enrile ay naging ika-21 na Senate President noong ika-15 Kongreso mula 2008 hanggang 2013. RNT
Suporta sa mandatory ROTC ni Sara lumalakas

June 28, 2022 @8:32 AM
Views:
8
MANILA, Philippines – Patuloy na lumalakas at lumalaki ang suporta ng panawagan ni Vice President at incoming Education Secretary Sara Duterte-Carpio na muling ibalik ang
mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Sa katunayan, may mga mambabatas at education officials ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa mandatory ROTC na ito ni Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni incoming Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang nasabing panukala ay “interesting” subalit kailangan ng masusing pagsusuri upang matiyak ang makabubuti at makagagaling sa mga mag-aaral.
“To be honest, noh, there [are] interesting pros and cons to it. We have to look into it, we just started… If departments slowly were actually meeting committees as a team, [in] Congress, hopefully, we would come up with the right decision where the majority, or whatever it is that people want and more than what they want, is what they need,” ani Atayde.
Nauna rito, nangako naman si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na muling ihahain ang nasabing batas na naglalayong itulak ang mandatory ROTC na nauna na niyang inihain noong 18th Congress.
Handa aniya siya na “to author a bill” alinsunod sa panukala ng bise-presidente.
“I am willing to author such a bill na gusto nila, ‘yung version na gusto ni Vice President Inday Sara,” ayon kay Dela Rosa sa isang panayam.
Suportado naman ni Commission on Higher Education Chairperson Prospero “Popoy” De Vera III ang ROTC sa university level.
“Remember I was an ROTC officer when I was a student at UP, and I know on a personal level how the training and discipline that I got from the ROTC officer helped me develop myself when I continued and left university,” ani DE Vera.
Gayunman, hihintayin nila ang mga mambabatas na magpalabas ng kalatas para sa kanilang bersyon.
“We’ll have to wait for the bill to be filed in congress so that the commission can give its proper comments on the contents of the bill, it’s a little bit early to comment without a copy of the actual bill than is filed, but as a general principle I support the ROTC at the university level,” aniya pa rin.
Umaasa naman si Duterte na magiging bahagi ng legislative agenda ng incoming administration sa ilalim ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mandatory ROTC. Kris Jose
NCMF imbestigahan sa palpak na Hajj pilgrimage-Rep Hataman

June 28, 2022 @8:19 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Pinasisilip ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Kongreso ang palpak na operasyon ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) matapos maiulat na ilang Filipino Hajj pilgrims ang stranded ngayon sa Metro Manila at hindi nakaalis patungong Saudi Arabia kahit nakapagbayad ng P300,000 na travel arrangements.
Partikular na pinasisilip ni Hataman sa Kongreso ang kabiguan ng NCMF sa pag-asikaso ng travel documents sa taunang pilgrimage sa Mecca.
Giniit ni Hataman na isa sa mandato ng NCMF ay ang pag-coordinate nito sa Bureau of Pilgrimage and Endowment, sa Hajj pilgrimage of Muslim Filipinos at travel aid patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Aniya, ang byahe noong Hunyo 19, 20 at 21 patungong KSA ay nakansela kaya libo-libong pilgrims ang hindi nakadalo.
“Baka kailangan pag-aralan na natin ang proseso ng coordination ng mga tanggapan sa NCMF tungkol sa Hajj at tingnan kung saan pwedeng malunasan ng pag-amyenda ng batas. May nagpabaya ba? May nagkamali ba? San galing ang gusot? Ito ang mga titingnan natin sa ating imbestigasyon” ani Hataman.
Aniya, sa palpak na sistema ng NCMF ay mas mainam na ipasa sa private sector ang pagpoproseso ng requirements ng mga pilgrims.
“Dapat hindi na ito maulit pa.We want a better pilgrimage experience for Muslim Filipinos, hindi yung ganito. Kaya tingnan natin kung ano ang maitutulong ng Kongreso sa NCMF para maiwasan na itong mangyari sa mga susunod na taon” dagdag ng solon.
Ang Hajj ay isa sa limang pillars ng Islam, ito ay kinapapalooban ng 5 araw na ritual at pilgrimage sa Mecca.
Samantala sa panig ni NCMF spokesman Commissioner Yusoph Mando sinabi nito na kanila nang minamadali ang pagbibigay ng visa sa mga pilgrims at isinasaayos na rin ang bagong flights.
Ipinaliwanag nito na ang delay ay resulta ng aberya din sa online Hajj portal kaya natagalan ang pagpapalabas ng visa.
Nangako ang NCMF na magbibigay ito ng cash assistance para sa pagkain at accommodation ng mga stranded na pilgrims. Gail Mendoza
F2F classes na, booster sa lahat ng 12-17 anyos ikasa – pres’l adviser

June 28, 2022 @8:05 AM
Views:
13
MANILA, Philippines – Hinikayat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na payagan nang mabigyan ng booster shots laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga kabataan na may edad na 12 hanggang 17 bilang bahagi ng paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na kailangan ng magdesisyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) hinggil sa rollout ng booster jabs para sa nasabing age group para makatulong na mapanatili ang level of immunity sa bansa.
Sinabi pa niya na ang efficacy o bisa ng paunang Covid-19 vaccines ay humina na “as early as four months,” at ang indibiduwal na nasa edad na 12 hanggang 17 na karamihan ay estudyante ay dapat lamang na makakuha ng “extra protection” mula sa virus dahil sa napipintong pagpapatuloy ng in-person classes.
“This will have dire consequences on the country’s recovery. I echo what the Advisory Council of Experts (ACE) is saying: When you delay these boosters, you deny our country the chance to recover,” ang nakasaad sa kalatas.
Noong nakaraang linggo, iginiit ng adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng ACE, isang advisory group para sa pribadong sektor na makatutulong sa kanila na tahakin ang daan palabas mula sa pandemiya.
Ang grupo ay kinabibilangan ng mga eksperto sa larangan ng kalusugan at ekonomiya.
“In a pandemic, we do not wait for the ‘hard evidence’ that we use for routine vaccines,” ayon sa grupo sabay sabing “We use the weight-of-evidence approach, which takes into consideration things like whole-of-society needs, vaccine deployment challenges at the ground level, age-related issues such as vulnerability versus schools being able to return to normal, the emergence of variants, and many other factors.”
Sinabi pa ng advisory council na ang pagbabakuna ay “key weapon” ng bansa para siguraduhin ang “uninterrupted recovery” mula sa pandemiya. Kris Jose
Mga baguhang solon nag-aral sa crash course sa Kamara

June 28, 2022 @7:51 AM
Views:
12