Xander, bet magsori kay Kathryn!

Xander, bet magsori kay Kathryn!

November 25, 2022 @ 4:30 PM 5 days ago


Manila, Philippines – Dahil sa kanyang ginawa na ikinagalit ng mga fans ay nais na personal na humingi ng paumanhin ang Internet sensation at content creator na si Xander Ford kay Kathryn Bernardo.

If anyone still remembers him, siya si Marlou Arizabal in real life na ginawan noon ng makeover ng programang Rated K ni Korina Sanchez.

At one point, nakapanakit si Xander sa pang-ookray sa physical appearance ni Kathryn.

At pinagsisisihan daw niya ito.

Sa katunayan, nagsori na raw si Xander sa mga supporters ng aktres, pero mas gusto niyang personal niyang makaharap ito.

He made this confession sa vlog interview ni Ogie Diaz at sinabing “bayad” daw ang kanyang ginawa.

In fairness daw sa kanya ay aware naman siya na very pleasant ang dating ni Kathryn.

Natukso lang daw talaga siya sa pinansyal na ganansya ng kanyang kagagawan.

Pagkatapos ng medyo matagal na pananahimik, muling nagparamdam si Xander dahil magiging tatay na raw siya.

Buntis kasi ang nobya niyang si Gena Mago.

Ang masaklap nga lang, target ng mga basher ang kanyang anak hindi pa man isinisilang.

Which is unfair.

Ang atraso ng magulang ay hindi dapat pagdusahan ng anak. Ronnie Carrasco III