XBB.1.5, pinakanakahahawang COVID-19 sub-variant

XBB.1.5, pinakanakahahawang COVID-19 sub-variant

January 14, 2023 @ 12:13 PM 2 weeks ago


PARIS, France – Itinuturing ang Omicron subvariant XBB.1.5 na pinakanakahahawang COVID-19 subvariant sa kasalukuyan at mabilis na kumakalat sa Estados Unidos.

Unang natukoy ang subvariant sa United States noong Oktubre, na ngayon ay kumakatawan sa  mahigit 27 porsyento ng impeksyon sa bansa, ayon sa variant tracker ng CDC.

Naiulat sa 38 bansa ang XBB.1.5 cases, kung saan 82 porsyento ay sa US, walong porsyentpo sa Britain at dalawang porsyento sa Denmark, ayon sa World Health Organization sa rapid risk assessment nitong Miyerkules.

Inihayag ng European Union’s ECDC health agency nitong Linggo na halos 2.5 porsyento ng mga kaso sa Europa ay XBB.1.5.

Halos katulad ng nabanggit na subvariant ang XBB.1 subalit may karagdagang mutation sa spike protein nito, ayon kay Grace Roberts, isang virologist sa Leeds University sa Britain.

Sinabi ni Maria Van Kerkhove, technical lead ng WHO sa COVID-19, nitong linggo na isa ang XBB.1.5 sa most transmissible form ng COVID-19 at malinaw na may “growth advantage” kumpara sa ibang virus.

Idinagdag nito na dumoble ang proportion ng XBB.1.5 cases sa United States sa loob ng siyam na araw.

Subalit ani Roberts, “there’s no data to suggest XBB.1.5 is any more harmful — in terms of severe disease and death — than previous variants”.

Sinusuri pa ng WHO ang datos ukol dito, subalit sinabing walang natukoy na mutations sa XBB.1.5 na mas makapagpapalala rito.

Ang XBB variants ng Omicron, kabilang ang BQ.1, ang “most resistant” sa antibodies mula sa vaccination at dating impeksyon, batay sa WHO.

Subalit, ayon kay Roberts walang dahilan upang mabahala ukol sa XBB.1.5.

“I don’t think we need to take any drastic action at present,” sabi niya. RNT/SA