XBB Omicron sub-variant wala pa sa Pinas- DOH

XBB Omicron sub-variant wala pa sa Pinas- DOH

October 13, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Wala pa sa Pilipinas ang bagong subvariant ng Omicron na kilala bilang XBB, ayon sa Department of Health ngayong Huwebes.

Ang XBB variant ayon sa DOH ay recombinant ng BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).

Iminumungkahi ng mga paunang pag-aaral na ang sublineage ay nagpapakita ng mas mataas na kakayahan sa pag-iwas sa immune kaysa sa BA.5.”As of October 13, we have not detected the said variant in the Philippines”, pahayag ng DOH.

Dagdag pa ng DOH, patuloy na nagsasagawa ng pagsubaybay ang Kagawaran sa pakikipagtulungan sa mga local sequencing facilities upang masubaybayan ang pag-import ng variant na ito at iba pang umuusbong na mga variant ng SARS-CoV-2.

Ginawa ng DOH ang pahayag nang tanungin tungkol sa XBB variant driving infections sa ilang bahagi ng mundo, kabilang ang Singapore.

Iniulat ng Ministry of Health (MOH) sa Singapore nitong linggo ang pagtaas ng mga lokal na kaso dulot ng XBB, kabilang ang post-weekend spike noong Martes.

Ngunit pinabulaanan ng MOH ang mga ulat na kumakalat online na ang Singapore ay nakakaranas ng mabilis at malaking pagtaas ng mga kaso na may malubhang sakit at pagkamatay dahil sa kumakalat na XBB strain.

“This is not true. We are initiating POFMA (Protection from Online Falsehoods and Manipulation Act) action against such falsehoods,” Sabi ng MOH

Nabanggit din ng MOH na walang ebidensya na ang variant ng XBB ay nagdudulot ng matinding karamdaman.

“So far, the large majority of patients continue to report mild symptoms such as sore throat or slight fever, especially if they have been vaccinated,” dagdag pa ng MOH .

Nitong Oktubre 12, ang Pilipinas ay may 24,283 aktibong kaso ng COVID-19.

Mula nang magsimula ang pandemya, umabot na ito sa 3,973,091 na impeksyon, kung saan 63,363 ang humantong sa kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden