XBB subvariant ng COVID posibleng makapasok sa Pinas – expert

XBB subvariant ng COVID posibleng makapasok sa Pinas – expert

October 14, 2022 @ 11:32 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng makapasok sa bansa ang mas mabagsik na XBB Omicron subvariant dahil sa mas maluwag na restriksyon sa pagpasok at paglabas ng mga biyahero mula sa ibang bansa.

Ito ang ibinabala ni Adult Infectious Disease and Tropical Medicine head ng San Lazaro Hospital na si Dr. Rontgene Solane sa panayam ng ANC nitong Biyernes, Oktubre 14.

“There is a possibility that it can enter the Philippines because our borders are open now and we have flights to Singapore everyday,” paliwanag ni Solante.

“It’s just a matter of really monitoring this,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, nakararanas ng COVID-19 surge ang Singapore dulot ng XBB subvariant na pinagsamang BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).

Ayon kay Solante, ang XBB subvariant ay pinaniniwalaan “highly immune-evasive” at maaaring tamaan kahit ang mga taong may antibodies na laban sa COVID-19.

Nitong Huwebes, sinabi ng Department of Health na hindi pa nakikita ang subvariant na ito ng COVID-19 sa bansa. RNT/JGC