XBB, XBC variant ng COVID posibleng nasa bansa na Agosto pa lang – PGC

XBB, XBC variant ng COVID posibleng nasa bansa na Agosto pa lang – PGC

October 19, 2022 @ 9:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Genome Center na maaaring nasa bansa na ang XBB at XBC variant ng COVID-19 noon pang Agosto o Setyembre.

Sa media briefing nitong Martes, Oktubre 18, sinabi ni PGC Executive-Director Dr. Cynthia Saloma na ang pinakaunang pagkakatuklas sa XBB subvariant ay noong Setyembre 20 samantala ang XBC variant ay nakita isang buwan bago nito o Agosto 24.

“Our genomic biosurveillance is very robust. Actually we are sequencing more, percentage wise compared to before. There are times at the PGC we have been sequencing 1,500 a week. Kasi mababarin naman in general ang cases natin. Kaya mataas ang ating coverage for sequencing,” paliwanag ni Saloma.

Sa kabila ng maagang pagkakatuklas, inabot ng halos isang buwan sa XBB, at dalawang buwan sa XBC variant bago ito makumpirma sa publiko.

Matatandaan na noong Oktubre 14 ay sinabi ng Department of Health na hindi pa nila nakikita ang naturang variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagko-komento ang ahensya sa isyung ito.

“Kung makikita ninyo, itong ating mga variants at mga hybrids, very very recent lang and we were able to touch them and flag our Regional Epidemiological Surveillance Units that these are being detected,” dagdag ni Saloma.

Kung babalikan, unang natuklasan ang XBB variant ng COVID-19 sa India na naging sanhi naman ng pagtaas sa kaso ng sakit sa Singapore samantala ang XBC variant naman ay pinagsamang variant ng Delta at BA.2 Omicron sublineage. RNT/JGC