Xi iprinoklamang party chief sa ikatlong pagkakataon

Xi iprinoklamang party chief sa ikatlong pagkakataon

October 23, 2022 @ 4:30 PM 1 month ago


ISTANBUL- Kumpirmado nitong Linggo na patuloy na pamumunuan ni Xi Jinping ang Communist Party of China (CPC) sa ikatlong pagkakataon.

Si Xi, 69, ay ang unang Chinese leader na tatlong beses nang itinalaga sa posisyon mula nang itatag ang partido 100 taon na ang nakalilipas.

Pormal itong inanunsyo matapos ang unang sesyon ng Central Committee ng CPC’s 20th National Congress noong Linggo.

Kinumpirma ang kabuuang 205 miyembro ng Central Committee nitong Sabado.

Makakasama niya sa Committee sina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang, at Li Xi.

Si Xi ay nagsisilbi ring presidente ng world’s largest populated nation at nakapwesto sa central military commission ng China.

“The journey is hard and arduous but we will reach our destination. People will always have our back,” ani Xi, at binigyang-diin ang “national rejuvenation” ng China. RNT/SA