Xi Jinping ginawaran ng ikatlong presidential term

Xi Jinping ginawaran ng ikatlong presidential term

March 10, 2023 @ 1:00 PM 3 weeks ago


CHINA – Ginawaran ng ikatlong five-year term bilang pangulo si kasalukuyang Chinese leader Xi Jinping nitong Biyernes, Marso 10.

Ito ay kasunod ng pag-endorso ng ceremonial National People’s Congress kay Xi bilang pangulo.

Ang ruling Communist Party ay napuno na ng mga taga-suporta ni Xi mula nang maupo ito sa pwesto noong 2012.

Sa naturang botohan, lumabas na 2,952 sa NPC ang pabor na gawaran ng ikatlong termino si Xi, habang wala namang kumontra laban dito.

Si Xi ay pangangalanang party general secretary sa ikatlong five-year term sa Oktubre.

Kamakailan ay inalis sa Konstitusyon ng China ang batas na naglilimita lamang sa pangulo ng hanggang ikalawang termino, dahilan para magduda ang ilan na baka habambuhay na itong mamuno sa nasabing bansa.

Wala namang ipinamahaging listahan ng kandidatong lumaban kay Xi at malaking bahagi ng election process ay pa-sikretong ginawa. RNT/JGC