Xi Jinping inimbitahan ni PBBM sa Pinas

Xi Jinping inimbitahan ni PBBM sa Pinas

January 5, 2023 @ 4:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inimbitahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Chinese President Xi Jinping na muling bumisita sa Pilipinas “at a mutually convenient time.”

Ikinasa nag imbitasyon sa Chinese leader sa pagbisita ni Marcos sa Beijing, kung saan pinagtibay ng dalawang panig ang kanilang commitment sa pagsusulong ng mas malakas na political at economic ties.

“President Marcos expressed his deep appreciation for the warm hospitality by President Xi Jinping, the Chinese Government and people, and extended an invitation to President Xi Jinping to visit the Philippines again at a mutually convenient time,” saad sa joint statement ng Pilipinas at China.

Ito ang unang state visit ni Marcos sa isang non-ASEAN country. Siya rin ang unang pinuno ng bansa na bumisita sa China ngayong taon.

Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang three-day visit ay paghahayag ng sinseridad at pakikipagkaibigan ni Pangulong Marcos sa China at sa mga Chinese.

“The two leaders agreed to render stronger support to each other’s national development goals, and advance modernization through joint efforts so as to create more benefits for the two peoples,” ayon pa sa joint statement.

Sa nasabing pagbisita, nilagdaan ng Manila at Bejing ang 14 bilateral agreements sa infrastructure, information technology, economy, at agriculture.

Unang bumisita si Xi first sa Pilipinas noong November 2018 sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA