Xi, Putin magpupulong kasunod ng US Democracy Summit

Xi, Putin magpupulong kasunod ng US Democracy Summit

December 14, 2021 @ 3:42 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dadalo si Chinese President Xi Jinping sa isang virtual meeting kasama ang kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin sa Miyerkules, kasunod ng pagharap ng  dalawang pinuno sa diplomatic pressure mula sa mga kanlurang bansa.

Inanunsyo ang pagpupulong nitong Lunes ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, at magsisilbing ikalawang virtual discussion sa pagitan ng dalawang pinuno ngayong taon, na ayon sa analysts ay isang show of solidarity sa pagitan ng Beijing at Moscow, partikular na sa Washington.

Hindi inilahad ni Chinese foreign ministry spokesman Wang Wenbin kung ano ang pag-uusapan ng dalawang pinuno subalit sinabi niyang maglalabas umano ng mga detalye ukol sa gaganaping pagpupulong.

“At the meeting, the two heads of state will give a full review of China-Russia relations and cooperation in various fields this year and make top-level designs for the development of bilateral ties next year,” pahayag ni Wang.

Inanunsyo ng dalawang bansa ang mas malalim na ugnayan sa shared interests nito, kasama na ang pagbuo ng isang lunar space station.

Pinuna rin nila ang democracy summit na giannap sa Washington noong isang linggo, kung saan hindi sila kabilang.

Kasunod ang Xi-Putin meeting matapos ilang Western countries ang mag-anunsyo ng diplomatic boycott sa nalalapit na Winter Olympics sa Beijing. RNT/SA