Xian, dedma sa pagkapanalo ni Kim ng award; fans, umalma!

Xian, dedma sa pagkapanalo ni Kim ng award; fans, umalma!

February 17, 2023 @ 3:38 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Big deal sa maraming fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang pandededma ng huli nang magwaging Best Female Host ang nobya sa nakaraang 37th Star Awards for Television.

Bakit hindi man lang kinongratyuleyt ng aktor ang kanyang dyowa gayong sa bawat achievement daw ni Xian ay agad na bumabati sa kanya si Kim?

Isang netizen ang hindi nakatiis na mag-comment sa Twitter.

Anito: “Bakit hindi man lang binati ni Xian si Kim? Anong klaseng boyfriend ‘yan?”

Hindi ‘yon ipinagkibit-balikat ni Xian who snapped back: “We don’t share everything on social media. It’s more meaningful that way.”

Marami naman ang sumang-ayon kay Xian na naniniwalang not because Xian did not post his congratulatory message for him, ibig sabihi’y hindi siya proud sa achievement ng nobya.

Malay din daw ba ng mahaderang netizen kung personal na ipinaabot ni Xian ang kanyang pagbati.

Ang lahat na lang daw ba’y kailangang dumaan sa social media, gayong puwede naman nilang isapribado ‘yon?

Na-misterpret tuloy ng ilang KimXi fans ang pananahimik ni Xian.

“Baka may LQ (lovers’ quarrel) sila?” sapantaha pa ng isang netizen.

Stiĺl another netizen assumed na ang pandededma ni Xian ay bahagi ng promo para sa teleserye nito sa GMA na siyempre’y hindi si Kim ang katambal ng aktor.

Lie low daw muna si Xian sa pagiging identified niya kay Kim or else makakaapekto raw ‘yon sa ipino-promote ng aktor.

Or better yet, dahil figure skating on ice ang tema ng teleserye kung kaya’t malamig muna ang peg ni Xian sa loveteam nila ni Kim. Ronnie Carrasco III