Xian, ‘di pa ready igarahe si Kim!

Xian, ‘di pa ready igarahe si Kim!

May 12, 2022 @ 12:55 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Puspusan ang naging pag-aaral ni Xian Lim para raw mabigyan ng justice ang pagganap niya ng asawang nagbuntis sa GMA teleserye na False Poditive.

Officially, ito ang nagsilbing point of entry ng aktor na galing sa kabilang network.

Since ‘ika nga’y bagong salta sa network, ayaw niyang mapahiya sa mga tao roon most especially sa mga bumubuo ng production.

Sa katunayan daw, he makes it a ppint to report to the set nang maaga as he does not want to be the cause of delay.

Portrayal of the role-wise, nagsaliksik daw si Xian ng mga pelikulang may kaparehong tema.

Tinulungan din siya ng kanilang direktor by making him watch other films on the male character getting pregnant.

Gumaganap na asawa niya roon ay si Glaiza de Castro.

Asked kung handa na rin ba siyang lumagay sa tahimk, and in his particular case, sa nobyang si Kim Chiu.

Kung titingnan kasi silang dalawa, they are a few steps closer to being married.

Pero hindi raw, aniya.

“I need to have a proper mindset for it,” tahasan niyang sabi.

Besides, marami pa raw silang gustong ma- achieve ni Kim before settling down.

Kaya? Ronnie Carrasco III