Xian Gaza at Valentine Rosales, nagsagutan!

Xian Gaza at Valentine Rosales, nagsagutan!

March 15, 2022 @ 10:40 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Mga Marites, pasok!

Nag-viral ang Facebook post ng internet personality na si Valentine Rosales tungkol sa 7/11 branch na diumano’y pinagbilhan niya ng Speak Cup.

Kung matatandaan, si Valentine ay ang isa rin sa 11 companions ni late Christine Dacera sa hotel kung saan sila nag-check in noong 2021.

Maraming netizens ang nagduda sa truthfulness ng post na ‘yun kaya naman hindi nagpaawat ang “Pambansang Marites” na internet personality din na si Xian Gaza na makisawsaw sa nag-viral na FB post ni Valentine.

“Feeling ko may kasalanan ka sa pagkamatay ni Dacera pero nag-imbento ka ng kwento sa media at pulisya,” pa-cryptic post pa ni Xian tungkol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Hindi pa nagpatinag si Xian at may dagdag pa siyang gatong kay Valentine.

“Qiqil much kahit wala akong binanggit na pangalan. Sapul na sapul, eh. Guilty. Sabi ko na nga ba may alam talaga siya pero gumawa ng kwento para hindi madiin sa kaso,” sabi ni Xian sa comment section ng post ni Valentine.

Sinagot ni Valentine ang comment ni Xian.
“Nahiya naman ako sayo, Ikaw nga nabuhay ka sa puro kasinungalingan, almusal mo gumawa ng issue sa mga tao panay imbento ka kalalaki mong tao Marites ka. At least ako aminadong bakla ikaw in denial kang tilapia,” sabi ni Valentine.

Resbak naman ni Xian, “Malakas ‘yung kutob ko na-OD si aneswah on his watch tapos hindi niya masabi ‘yung totoo dahil mayayari siya ng NBI at PDEA dahil ka-jamming siya mismo ni aneswah before madeadz.

“Kaya nagbigay siya ng salaysay na kwentong barbero para malayo ang imbestigasyon sa katotohanan upang hindi siya mayari ng batas.
“Tutal expertise naman niya ang pag-iimbento ng kwento. Halatang-halata mga Mars. Sanay na sanay, eh. Kitang-kita sa VIEW EDIT HISTORY,” mahabang pahayag ni Xian.

Sa viral post ni Rosales, makikita sa edit history nito na pinalitan niya ang 7/11 branch na pinagbilhan niya ng Speak Cup. Joey Sarmiento