Karma is real: Xian Gaza, makukulong ng limang taon!

Karma is real: Xian Gaza, makukulong ng limang taon!

June 29, 2018 @ 9:46 AM 4 years ago


Makukulong ng limang taon at anim na buwan ang social media trending star na si Xian Gaza dahil sa paglabag sa Bouncing Check Law.

Sa Instagram post ni Xian, ibinahagi niya ang naging desisyon ng Malabon Metropolitan Trial Court (MTC).

“GUILTY — 5 YEARS & 6 MONTHS IMPRISONMENT : ₱2,180,000.00 FINE plus legal interests and costs. Christian Albert Gaza is hereby found GUILTY beyond reasonable doubt of eleven (11) counts of violation of Batas Pambansa Bilang 22, otherwise known as The Bouncing Check Law,” ayon sa post ng self proclaimed CEO.

Sa kabila ng kinahaharap ni Gaza, nakuha pa nitong magbiro sa isang post kahapon kung saan ipinagtabi niya ang litrato niya noong nasa Cambodia pa siya at litrato niya na nasa kulungan na siya.

Sa isang post naman sinabi nito na handa siyang makulong at sinabing “Karma is real.”

Pinayuhan niya rin ang mga netizen na huwag siyang gayahin at magsikap na sa ngayon para hindi pagsisihan ang kahihinatnan.

Matatandaang kinasuhan si Xian matapos nitong hindi mabayaran ang dalawang investors sa isang coffee shop na hindi naman naitayo. (Remate News Team)