Xian, hindi sanay na tawaging direk!

Xian, hindi sanay na tawaging direk!

July 21, 2022 @ 10:16 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Direk Xian Lim.

‘Yan na ngayon ang tawag sa aktor na si Xian lalo na sa naganap na storycon ng pelikulang Hello Universe under Viva Films.

Si Xian kasi ang direktor at artista niya ang mga veteran comedians like Janno Gibbs, Anjo Yllana, Gene Padilla and Benjie Paras.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tinatawag na direk. Nanibago ako,” sabi pa niya.

Second time na niya bilang direktor sa Hello Universe. Ang una niyang ginawa ay ang Tabon, isang Cinemalaya entry.

“I didn’t plan it. ‘Yung pagiging director. Same as ‘yung pagiging actor ko. Na-inspire lang akk na mag-direk, inaral ko ang trade and that’s it.

“Hindi ko pa iniisip ngayon kung ano ang pelikulang gagawin ko na magpapa-recognize sa akin as a director but right now, this is my dream project, ang Hello Universe,” sabi pa ng boyfriend ni Kim Chu.

Si Xian din ang sumulat ng movie.

The movie is about woking up one day, living the life that you have always dreamt of – a successful career, a big mansion, fame and wealth. Yes, a man gets to rewrite his past and lives his dream life in an alternate universe.

Kasama rin sa movie sina Sunshine Guimary, MJ Cayabyab, Joe Vargas, Madelaine Red, Majo Lingat, and Maui Taylor. JP Ignacio