Xian, ibinida ang yaman, target ang P1B!

Xian, ibinida ang yaman, target ang P1B!

November 11, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Humility does not seem to be Xian Gaza’s virtue.

Ito’y kung ang pagbabasehan ay ang Facebook post niya tungkol sa kanyang net worth.

Kung susumahin daw, mahigit P463M ang total net worth niya.

Target niyang maabot ang P1 billion mark sa susunod na taon.

Ang kanyang liabilities naman ay nasa mahigit P38,000 lang.

So ano ang pakay ng internet at social media personality sa pagyayabang ng kanyang kayamanan?

Diretsahang sinabi ng binansagang Pambansang Sawsawero na ipinost niya ‘yon sa social media hindi para magsilbing inspirasyon.

Xian posted his net worth para magyabang at mapagtanto raw ng kanyang mga haters kung gaano sila kahirap.

Well, kung tatanungin n’yo how he has amassed such great wealth, balitang may mga negosyo at investments siya sa Thailand at Dubai sa UAE.

In yet another post on FB, sinabi ni Xian na hindi raw law of attraction ang gusto niyang palabasin kundi ipakalat ang positive energy.

Sa pamamagitan raw niyon ay maaambunan din ng suwerte sa buhay ang ibang tao.

Bilib din naman kami sa tapang ni Xian sa walang takot niyang pagpost ng kanyang net worth.

Rich na kung rich siyang maituturing, pero aware kaya si Xian that the wealthy don’t brag about their wealth?

Hindi ba naisip ni Xian ang nakaambang peligro by flaunting how much he’s worth?

Hindi ba’t imbitasyon na rin ‘yon sa mga masasamang loob para targetin siya?

God forbid. Ronnie Carrasco III