Xian, kahit Kapuso, invited sa ABS-CBN ball!

Xian, kahit Kapuso, invited sa ABS-CBN ball!

September 15, 2022 @ 8:01 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Hindi porke isa nang Kapuso star si Xian Lim ay itsa-puwera na siya sa AB-CBN Ball.

Ganu’n na lang ang pasasalamat ng Viva contract star na sa kabila ng kanyang paglipat sa rival station ay pormal siyang nakatanggap ng imbitasyon sa naturang event sa October 2.

This coincides with the 30th year of Star Magic na namahala ng career ni Xian.

Matatandaang January last year nang maging Viva contract artist si Xian until he became a full-fledged Kapuso actor.

At dahil event ‘yon ng ABS-CBN, it is expected na magkikita sila ng nobyang si Kim Chiu.

‘Yun ang kagandahan sa couple na ito dahil never naging isyu sa kanila ang pagkakaroon ng ibang networks.

Mukha namang Xian is not the type of a boyfriend who will influence Kim to jump ship dahil nag-e-enjoy naman ito kung nasaan man siya ngayon.

Incidentally, tulad ng alam ng lahat ay nagdidirek na rin si Xian.

In fact, malaki ang naitulong ng kanyang directorial skills sa pelikula nila ni Kim.

Siya kasi ang nagre-remind sa nobya sa tuwing nakakalimutan nitong bulag ang kanyang karakter.

With Xian’s expected attendance at the ball, isn’t he so lucky for enjoying the best of both worlds?

Maitatanong lang: paano na ‘yung ibang mga lumipat ng ibang istasyon…imbitado rin? Ronnie Carrasco III