Xian, kinumpara si Kim sa kape!

Xian, kinumpara si Kim sa kape!

September 19, 2022 @ 6:42 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ang sweet!

‘Yan ang nagkakaisang pabulong na sinabi ng mga nakaring sa exchanges of sweet nothings ng real-life sweetheart na sina Xian Lim at Kim Chiu na muling nagkasama sa pelikulang Always, a Korean movie adaptation.

“Sa umaga, kapag hindi nag-texi si Kim, kapag hindi siya nag-‘good morning’, worried na ako niyan. I just need to know.

“Masarap kasi ang oakiramdam kapag si Kim ang unang nakikita ko na nag-text sa akin, ‘yun ang pinaka-kape ko, mas malakas pa sa kape,” nakangiting sabi ni Xian para sa jowa.

Ayon naman kay Kim, kapag hindi tumatawag at nagte-text si Xian ay kinakabahan na siya.

“Always kasi kaming nag-a-update sa isa’t isa. Kinakabahan ako kapag hindi nagme-message si Xian,” sabi naman ng chinita actress.

Anyway, maganda ang mood ni Xian dahil ipapalabas na sa big screen ang movie nilang Always on September 28.

“Iba kasi ang feeling na ibinibigay sa mga manonood ang big screen at ramdam mo ‘yung art na pinaghirapan ng mga artist,” sabi pa ni Xian.

Ang Always ay dinirehe ni Dado Lomibao at isinulat ni Mel Mendoza del-Rosario under Viva Films. JP Ignacio