Xian Lim, ni-reject?

Xian Lim, ni-reject?

July 25, 2018 @ 1:07 PM 5 years ago


Dinamayan ng fans ang malungkot na tweet ng actor at singer na si Xian Lim na nakararamdam daw ng ‘rejection’.

Lunes (July 23) nang mag-tweet si Lim na tila hindi siya gusto ng karamihan at hindi siya binibigyan ng chance sa industriya, “A bunch of people in the industry may not like me, a couple may shut me out completely and not give me a chance, some love to judge and make up lies. I say it’s fine.”

 

“When all things have been said and done, be sure to do what it is that makes you happy,” dagdag pa nito.

Sa kanyang Instagram post ay nagpahayag din ito na tila hindi siya nabibigyan ng chance at agad siyang hinuhusgahan.

 

“It’s a crazy world we live in. Some people will always try to bring you down. Not give you a chance. Judge you for what they think you are and not for what you could become. It’s amazing how hard you try to make things right and make other people understand and yet they don’t,” post ng aktor.

Bagama’t hindi tinukoy ni Lim ang pinanggagalingan ng kanyang post ay bumuhos pa rin ang pakikiramay ng mga fans at sinabihan siya na ipagpatuloy lang kung ano ang kanyang passion.

Si Lim ay mapanonood na sa nalalapit na movie ni Sarah Geronimo na “Miss Granny” sa August 22. (Remate News Team)