Xian, nagkaroon ng anxiety attack sa taping!

Xian, nagkaroon ng anxiety attack sa taping!

May 14, 2022 @ 1:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ayon kay Xian Lim, hindi naging madali para sa kanya ang paghahanda para sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA 7 na False Positive, lalo at gumaganap siya bilang isang lalaking nabuntis dahil sa isang sumpa.

Ayon kay Xian, inatake siya ng matinding nerbiyos noong una siyang sumalang sa lock-in taping dahil ayaw daw niyang magkamali at mapahiya sa  buong produksyon.

Sabi ni Xian, “To the point na stressed na stressed na ako dahil I don’t wanna let anyone down. But I’m so grateful sa network, sa GMA Network, sa buong Kapuso family that I don’t wanna let them down.

“And I remember gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong, para lang hindi… para lang I don’t wanna cause any delays, I don’t wanna cause any aberya, kumbaga.

“There is that pressure, definitely. Pero tinanggap ko na na mahirap at gagawin ko ang best ko hanggang sa ma-good take ni direk Irene (Villamor),” ayon pa sa binata.

Kuwento ng aktor, may ilang foreign movies daw siyang pinanood tungkol sa mga lalaking nabubuntis,

Samantala, nang tanungin naman si Xian kung sa totoong buhay ba ay handa na siyang maging tatay, ang sagot niya, “Honestly hindi pa po ako ready. Because spiritually, I think I need a proper mindset for it.” Rommel Placente