Xian, natyope kay Erich sa Swirzerland!

Xian, natyope kay Erich sa Swirzerland!

October 3, 2022 @ 9:40 AM 2 months ago


Interlaken, Switzerland – Remember the coffee date that Xian Gaza wanted sana with Erich Gonzales?

That was in 2017 na nakapaskel pa sa billboard.

It came with a message which read: “I can’t espresso how much i like you a latte, Erika Gancayco. Will you drink coffee with me?”

Sa kasamaang palad, hindi ‘yon pinansin ni Erich.

On his social media account, ikinuwento ng binansagang Pambansang Sawsawero ang pagkakakita niya sa old crush sa Switzerland.

Partikular sa Interlaken ‘yon where upon seeing Erich ay lalapitan na sana ito ni Xian.

Kaso, bigla niyang naalala na married na nga pala ang aktres.

Erich married businessman Matteo Lorenzo in March this year.

Upon realization daw na taken na ang aktres ay hindi na raw nangahas lumapit si Xian.

Tumalikod na lang daw ito at nagpahid ng luha.

Marami namang netizens ang na-touch kundi man naawa kay Xian kung paanong may mga diskumpiyado sa kanya.

Katwiran ng mga tumaas ang kilay, nakita na niya sa ibang bansa ay maanong nilapitan niya ito just to say hi?

Bansa sa Europe na ang pinag-uusapan, okey lang daw kung natyope o nahiya siya had he chanced upon Erich anywhere in the country?

Besides, 2017 pa raw noong nagpapalipad- hangin siya. Baka nga raw sa sobrang tagal ay nakalimutan na rin ‘yon ni Erich.

Hindi lang daw sawsawero si Xian…echosero rin! Ronnie Carrasco III