Xian, pina-feng shui ni Kim!

Xian, pina-feng shui ni Kim!

February 2, 2022 @ 11:00 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Sa pinakabagong entry sa kanyang vlog, nag-share si Kim Chiu ng mga ritwal na sinusunod niya sa Chinese New Year.

Tulad nang nakaugalian na niya, pumunta siya sa kanyang suking tindahan ng charms at amulets sa Binondo sa Manila.

Nagkaroon din siya ng consultation sa isang feng shui expert kung saan nagtanong ito kung anong kapalaran o suwerteng naghihintay sa different animal signs sa year of the Water Tiger.

Nalaman ni Kim being a Horse, na swerte siya sa Year of the Water Tiger.

Hirit pa ng feng shui expert, mas darami pa raw ang magiging subscribers ng Kapamilya actress sa kanyang YouTube channel.

Pinag-iingat lang siya sa minor accidents na puwedeng mangyari sa kanya ngayong taon.

Pagdating naman sa kanyang nobyong si Xian Lim na ipinanganak sa Snake sign, positibo rin daw ang pasok ng swerte sa kanyang boyfie.

Ang mga kulay na dilaw, pula at puti raw ang lucky colors ngayong 2022.

Pagbabahagi pa ni Kim, kasama raw sa ritwal na sinusunod niya ay ang pagsulat ng kanyang “wish” sa wishing paper.

Katunayan, iyon daw pangarap niya na magkaroon ng sariling vacation house ay natupad nang isulat niya ito bilang kahilingan last year.

Sey naman ng expert, ang lahat daw ng suwerte ay mapapasakanya lamang kung sasamahan ito ng panalangin at magandang gawain. Archie Liao