Xiumin ng EXO, pasabog ang paglabas sa military training!

Xiumin ng EXO, pasabog ang paglabas sa military training!

December 24, 2020 @ 4:34 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Kalalabas lang ni Xiumin ng EXO K-pop boyband mula sa compulsory military training sa South Korea at maraming fans ang nakapunang “cute and boyish” pa rin siya gaya nang dati.

Ayon sa website na Koreaboo.com, pasabog si Xiumin sa South Korean TV show na “Make Your Shoulders Dance,” kung saan ay nakasama n’ya ang kapwa-EXO  member na si Baekhyun.

Heto ang ilan sa comments ng fans ni Xiumin na ipinost sa iba’t K-Pop social media:

”I’m fluttery again!! He’s back!!”

“He has the vibes of having come back from the military. He got more manly and handsome – previously he looked like a young boy”

“He’s still a baby, ogu ogu.”

“His round lips are so cute.”

“His ability to look young is crazy and of course, he’s still handsome.”

“Wow, he’s totally a baby-face. His cute, youthful beauty is still the same as ever.”

Ayon sa mga ulat, si Xiumin ang kauna-unahang EXO member na pumasok sa military training.

Masasabing maswerte ang mga miyembro ng K-Pop bands na sikat sa maraming bahagi ng mundo dahil naglabas ng bagong batas ang South Korea na pwede nilang i-postpone ang military training nila hanggang dumating sila sa edad na 30.

Binago ang batas dahil sa kasikatan ngayon sa buong mundo ng South Korean boyband na BTS.

Gayunpaman, kailangan ng rekumendasyon ng South Korean Ministry of Culture and Tourism para mai-postpone ng isang Korean pop idol ang military training n’ya. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...