Xmas party ibinabala ng PNP sa gitna ng Omicron

Xmas party ibinabala ng PNP sa gitna ng Omicron

December 6, 2021 @ 1:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inabisuhan ng Philippine National Police ang publiko nitong Lunes na huwag nang magsagawa ng tradisyonal na Christmas parties sanhi ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) at ng panibagong variants na sumusulpot.

Sa isang press conference, ipinaalala rin ni PNP chief Police General Dionardo Carlos ang payo ng mga health officials na limitahan ang pagtitipon sa Pasko sa pamilya at mga bakunadong malalapit na kaibigan lamang.

Dagdag pa niya, kailangang sundin ang minimum public health standards.

“The PNP discourages the holding of traditional Christmas gathering among family members, co-workers, schoolmates and circle of friends while the threat of COVID-19 and its variants continue to raise public health concerns,” giit ni Carlos.

Nitong Oktubre, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinapayagan ang Halloween at Christmas parties, sa kondisyong isinasagawa ang mga kasiyahan kasama lamang ang pamilya.

“Mass gatherings are still prohibited, [but those taking place] within the bubble of the family are allowed, but safety protocols needed to be implemented,” aniya. RNT/SA