YAKAPsul, totoong nakagaganda ng araw!

YAKAPsul, totoong nakagaganda ng araw!

October 8, 2018 @ 2:08 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isang pag-aaral sa New United States ang nakatuklas na ang pagtanggap ng yakap ay nakababawas sa negatibong emosyon na nakukuha matapos ang isang argument o conflict sa ibang tao.

Nag-recruit ang mga researcher mula sa Carnegie Mellon University ng 404 na lalaki at babae kung saan kanila itong kinapanayam tuwing gabi sa loob ng 14 na magkakasunod na araw at tinatanong tungkol sa kinaharap nilang problema sa araw na iyon, natanggap na yakap at kanilang positibo at negatibong moods.

Karamihan ang mga indibidwal ay naiulat na nakararanas ng problema ng halos isa kada araw at nakatatanggap ng yakap ng halos isa rin kada araw habang isinasagawa ang pag-aaral.

Nang suriin ang resulta, dito natuklasan na ang pagtanggap ng yakap, sa araw na nakaranas ng problema ang isang partisipante, ay talagang nakatutulong upang mapataas ang positibo nitong emosyon at mapababa naman ang negatibong emosyon.

Sinabi rin sa pag-aaral na ang pagtanggap ng yakap ay makapipigil sa paglaki ng negatibong emosyon na epekto ng problemang kinahaharap ng kahit sino sa buong araw.

Yakap din ang isang epektibong paraan para bigyan at ipakita ang suporta para sa mga lalaki at babae na nakararanas ng kalungkutan na resulta ng problema.

Nakalathala ang resulta ng pag-aaral sa journal PLOS ONE./Remate News Team