Yaman ng world’s 10 richest men dumoble sa pandemya – Oxfam

Yaman ng world’s 10 richest men dumoble sa pandemya – Oxfam

January 18, 2022 @ 11:14 AM 7 months ago


PARIS — Iniulat ng Oxfam na dumoble pa ang yaman ng world’s 10 wealthiest men sa unang dalawang taon ng coronavirus pandemic habang tumaas ang antas ng kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.

Sa inilunsad na briefing bago ang virtual mini-summit ng world leaders sa World Economic Forum, sinabi ng Oxfam na lumundag sa ito $1.5 trillion mula sa $700 billion lang na yaman bago ang pandemya.

Ito ay may average rate na $1.3 billion kada araw.

Giit ng Oxfam na ang yaman ng mga bilyonaryo ay sobrang tumaas sa pandemya kumpara sa nakalipas na 14 na taon.

Tinawag naman na Oxfam ang nasabing inequality na “economic violence” na nakadadagdag sa mga dahilan ng pagkasawi ng 21,000 indibidwal kada araw dahil sa kakulangan ng access sa healthcare, gender-based violence, hunger at climate change.

Base sa Forbes list pasok sa world’s 10 richest men sila: Tesla at SpaceX chief Elon Musk, Amazon’s Jeff Bezos, Google founders Larry Page and Sergey Brin, Facebook’s Mark Zuckerberg, dating Microsoft CEOs Bill Gates and Steve Ballmer, dating Oracle CEO Larry Ellison, US investor Warren Buffet, at head ng the French luxury group LVMH, Bernard Arnault. RNT