PRANGKISA O SPECIAL PERMIT?

February 3, 2023 @1:55 PM
Views: 3
MAY kapangyarihan baa ng local government unit na mag-extend ng prangkisa o special permit ng public transport?
Wala. Ayon sa Executive Order 202, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing ahensya.
Pero paano kung ang hindi nagawa ng LTFRB ang pagbibigay ng prangkisa o pag-eextend ng special permit? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng mga pasahero? Ito ang problema na pinarating ng LGUs, mga pasahero at transport operators sa gobernadora ng Cebu.
Noong panahon ng pandemya ay binuksan ang ilang ruta sa lalawigan ng Cebu.
At para kaagad may pumasada, binigyan ng special permits ng LTFRB ang ilang transport operators para pumasada sa iba’t ibang ruta. Kamakailan ay nag-expire ang special permits, kaya ang dapat mangyari ay babalik sa kani-kanilang mga dating ruta ang mga pumapasadang sasakyan at iiwanan nila ang ruta kung saan natapos ang special permits na binigay sa kanila.
Ang resulta daan-daang mga pasahero ang maaapektuhan at walang masasakyan. Bakit umabot sa ganito ang problema? Bakit hindi na-extend ang mga special permit?
Para lutasin ang problema ay naglabas ng Executive Order no. 5 series of 2023 ang Gobernadora ng Cebu – Allowing PUVs with Special Permits to continue plying their routes for the comfort and convenience of the Cebuanos in the Province of Cebu up to March 17, 2023.
Marami ang nagtanong. Hindi ba mali ang LGU ng Cebu rito dahil tanging LTFRB lang ang dapat gumawa nito? Tama ba ang ginawa ng gobernadora?
Heto po ang tingin ng Lawyers for Commuter Safety and Protection – Una ay hindi nag-issue ng prangkisa o nagpalawig ng special permit ang LGU ng Cebu. Ang sabi lamang ng Executive Order ay PAHIHINTULUTAN nila ang mga unit na may special permit na ITULOY ang kanilang pamamasada para sa comfort at convenience ng mga pasaherong Cebuano. Bakit kailangan ito? Upang hindi ma-out-of-line colorum ang units. Kung walang pahintulot ay maari silang hulihin na out-of-line colorum.
Pero bakit hindi na lang i-extend ng LTFRB Regional Director ang special permits? ‘Yan ang dapat itanong sa RD ng LTFRB at bakit kelangang umabot pa sa ganitong problema?
Pero hindi ba’t sabi natin na tanging LTFRB lang ang pwede mag-issue ng franchise at mag-extend ng permit?
Mukhang alam ito ng LGU kaya sa Executive Order ay iniwasan nilang bangitin ito.
Sabi lamang nila na ALLOWING PUVS WITH SPECIAL PERMIT TO CONTINUE THEIR ROUTES UNTIL MARCH 17, 2023.
Hindi nag issue ng franchise ang LGU at hindi nila in-extend ang special permit. Ibig sabihin lang ay basta may special permit (expired man o hindi) payag ang LGU na mamasada sila sa mga ruta na inilahad sa Executive Order.
oOo oOo oOo
Atty. Ariel Inton
President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748
PINAS KINAKALADKAD SA GIYERA

February 3, 2023 @1:50 PM
Views: 4
ALIN kaya ang tatahaking landas ng pamahalaang Marcos sa nagaganap na giyera at gaganaping giyera pa lamang?
Para klaro, panay ang kampanya ngayon ng European Union at United States para kampihan sila sa kanilang kasalukuyang giyera sa Russia gamit ang Ukraine.
Ngayon naman, naghahanda na rin sila ng giyera laban sa China gamit naman ang Taiwan.
Patunay rito ang pag-iikot sa Asya-Pasipiko nina North Atlantic Treaty Organization Secretary General Jen Stoltenberg na nakabase sa Brussels, Belgium na sentro ng EU at US Defense Secretary Lloyd Austin para kumuha ng mga bansang kakampi nila at pagtatayuan ng kanilang mga base military at armas laban sa China.
Si Stontelberg umiikot sa Japan at South Korea para sa pagpapalakas ng ugnayang militar umano ng NATO sa mga ito at itinutulak ang South Korea na magpadala na ng armas sa Ukraine habang kasama ang Japan sa panggigipit sa Russia sa mga kalakalan at pananalapi.
Ito naman si Austin, panay ang ikot sa Pinas para magturo kung saan magtatayo ng mga base militar na roon ilalagay ang kanilang mga tropa, missile at iba pang armas na panlaban sa China kung aatake ito sa Taiwan.
PAWANG KAIBIGAN, WALANG KAAWAY
Itinatag ng pamahalaang Marcos ang patakarang pandayuhan na “Pawang Kaibigan at Walang Kaaway” sa harap ng mga giyera na nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo, kakambal ng hatakan ng kakampi at pagsipa sa kaaway ng mga kilala na nating nag-aaway-away na bansa.
Mapananatili ba ng Pilipinas ang patakarang nabanggit sa harap ng mga makapangyarihang bansa na nais itulak ang Pinas sa bingit o aktuwal na giyera na kung tutuusin ay higit nilang kapakinabangan kaysa ng Pilipinas?
Para sa atin, dapat panatilihin ng Pilipinas ang paninindigan nitong maging neutral sa mga digmaan at isulong ang mapayapagang paglutas sa mga sigalot.
MAPALAD SA BAGONG DSWD SECRETARY

February 3, 2023 @1:45 PM
Views: 17
HINDI sinuwerte ang kapatid sa hanapbuhay na si Erwin Tulfo, dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development, na tuloy-tuloy na makapagserbisyo sa ating mga kababayan bagaman sobrang sipag nito sa trabaho.
Natuwa ang marami sa mga mamamahayag nang malagay bilang officer-in-charge si Undersecretary Edu Punay kapalit ni Tulfo. Subalit hindi nagtagal, balik puwesto si Punay.
Ito ay dahil iniupo naman ni Pangulong Bongbong Marcos bilang kalihim ng DSWD si Valenzuela Representative Rex Gatchalian.
Marami ang suportado ang aksyon ng Pangulo lalo na ang mga nakatrabaho ng bagong kalihim bilang local chief executive. Sa madaling salita, suportado rin si Gatchalian ng mga alkalde na nakasabay niya mula 2019 hanggang 2022 na kasagsagan naman ng pananalasa ng pandemya sa bansa.
Nagustuhan naman ng marami lalo na ng mga taga-Valenzuela ang kinahinatnan ng karera ng kanilang Congressman na ngayon nga ay isa ng kalihim.
Nasaksihan kasi nila ang outstanding leadership skills ng bagong DSWD secretary, lalo na pagdating sa kanyang mga progressive views, decisiveness, at hands-on style sa pamumuno.
Kaya naman noong nasabing panahon nang panunungkulan ni Gatchalian bilang alkalde at kabilang ang Valenzuela sa kinikilalang lungsod na mayroong pinakamagandang COVID-19 response program.
Noong panahong yaon, tumanggap ng pagkilala si Gatchalian katulad ng Galing Pook awards dahil sa commitment at dedikasyon nito sa paninilbihan sa kanyang mga nasasakupan.
Marami ang kumpiyansa na walang kahirap-hirap at hindi man lang pagpapawisan si Gatchalian sa kanyang magiging trabaho sapagkat sanay na sanay ito na magserbisyo at bigyan ng maganda at maayos na programa ang mga mamamayan.
Mapalad ang Pinas na magkaroon ng katulad ni Gatchalian. Secretary Rex Gatchalian, pakurot nga sa pisngi!!!
EBIDENSIYA NG PATRIOTISMO

February 3, 2023 @1:26 PM
Views: 9
TUWING may bagong presidente at mga bagong miyembro ng Kongreso, hindi puwedeng hindi uugong ang na may charter change o Cha-Cha.
Maraming mambabatas na ang nagtangka na isulong ang Cha-cha subalit pawang bigo sila na maisakatuparan ang planong pagbabago ng ating saligang-batas.
Ang huli ay noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mismong ang huli ang nagbigo na tatapusin niya ang tatlong taon bilang president bago uuwi sa Davao at muling uupo bilang alkalde. Subalit hindi naman ito nangyari.
Kaya naman dahil sa husay ng ating Vanguards of the Philippine Constitution na pinamumunuan ni Atty. Eligio Mallari ay pinapalakpakan natin ang mga ito at binabati na rin sa kanilang 36 year anniversary ngayong February 02.
Marami ang hindi nakakaalam na ang grupo ni Mallari ang tahasang nagtatanggol sa ating saligangbatas.
Hanggang ngayon ay hindi pa namamatay ang isyu ng pederalismo na nailunsad o naipakilala noong panahon ng administrasyon ni Tatay Digoy.
Ngayong panahon ni Pangulong Bongbong Marcos, may mangyari kayang pagbabago sa saligangbatas ng Pilipinas.
Ang keynote speaker sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng VPCI ay si Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos. Hopefully, mapag-uusapan ang ibayong pagmamahal sa ating saligang batas.
Napapanahon din ang tema na “Incessant and Relentless Battles to Win Against Graft and Corruption”. Aba, baka nga magtuloy-tuloy na ang laban.
Sana lang ay kung mapagpapasyahan na magkaroon ng Cha-Cha ay para sa kabutihan ng nakararami at hindi ng iilan na pawang pansarili ang hangad.
Saan ngayon tayo papanig? Sa Cha-cha o anti-cha-cha.
Kung meron kayong mga katanungan mag email lang sa [email protected] at makinig sa aking programang Todo Nationwide Talakayan 7:00 to 9:00AM every Sunday sa DWIZ 882kHz AM Band. Pwede rin kayong mag text sa 0995-132-9163.
BAYONG-ALL-YOU-CAN

February 3, 2023 @1:22 PM
Views: 9