Yangon protesters inararo ng mga pulis, 5 patay

Yangon protesters inararo ng mga pulis, 5 patay

December 6, 2021 @ 6:55 AM 10 months ago


MYANMAR – Lima ang nasawi habang 15 naman ang arestado sa marahas na tapatan sa pagitan ng Myanmar security forces at anti-coup protest Linggo ng umaga, Disyembre 5 sa Yangon, Myanmar.

Ito ang ulat na inilabas ng Myanmar Now kung saan ang mga nasawi ay bunsod ng pang-aararo ng mga pulis sa mga nagpoprotesta gamit ang isang sasakyan.

Sa kumalat na larawan at video, makikita ang mga katawan na nagkalat sa kalsada at sugatan na mga nagpoprotesta.

Nagpatuloy pa ang mga pagkilos pagsapit ng hapon sa kabila ng karahasan na sumiklab noong umaga.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa mahigit 1,300 ang mga nasawi simula noong nagsimula ang February 1 coup.

Kinondena naman ng National Unity Government defense ministry ang naturang pag-atake.

“We will strongly respond to the terrorist military who brutally, inhumanly killed the unarmed peaceful protesters.” RNT