Yangon protesters sinagasaan ng Myanmar military; UN, US pumalag

Yangon protesters sinagasaan ng Myanmar military; UN, US pumalag

December 6, 2021 @ 2:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa lima ang nasawi sa Myanmar nang araruhin ng sasakyan ang mga anti-junta protesters, ayon sa lokal na media. Nangyari ang pag-atake sa bayan ng Yangon, base sa ulat ng Myanmar Now nitong Linggo.

Sinabi ng isang mamamahayag na nakasaksi sa insidente na isang sasakyan ng militar ang sumagasa sa mga demonstrador.

Naaresto naman ang 11 kasama sa naturang protesta, kabilang ang dalawang lalaki at isang babae na pawang mga sugatan, ayon sa pahayag ng militar ng Myanmar.

Kinondena naman ng United Nations sa Myanmar ang insidente, at naglabas ng pahayag na “reported attack on a number of unarmed civilians in Kyimyindaing Township, Yangon, in which a vehicle belonging to security forces rammed into protesters who were then fired upon with live ammunition leading to deaths and injuries to numerous people.”

Nagkomento rin ang US Embassy at sinabing ito ay “horrified by reports that security forces opened fire against, ran over, and killed several peaceful protesters this morning in Yangon.”

“We support the right of the people of Burma to protest peacefully,” dagdag pa ng embahada.

Naganap ang insidente habang nalalapit na ang hatol sa kaso ng civilian leader na si Aung San Suu Kyi, na nahaharap sa aabot sa isang dosenang reklamo, kabilang ang incitement and violation of Covid-19 protocols. Itinanggi naman niya lahat ng alegasyon. RNT/SA