‘Yantok’ muling gagamitin ng NCRPO sa ‘Misa de Gallo’

‘Yantok’ muling gagamitin ng NCRPO sa ‘Misa de Gallo’

December 8, 2021 @ 1:16 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Muling gagamitin ang ‘yantok’ ng Capital Region Police Office (NCRPO) sa darating na Misa de Gallo upang matiyak na mapatutupad ang physical distancing sa mga simbahan simula Disyembre 16.

Ayon kay Maj. Gen. Vicente Danao, gagamitin nila ito para sa social distancing at sa mga agresibong indibidwal upang magpaalala sa mga protocol na ipinapatupad.

Maaalalang ginamit ang mga yantok o rattan sticks noong nakaraang taon na nasa general community quarantine pa ang Metro Manila.

Dagdag pa ni Danao, ang lahat ng NCRPO personnel ay papayagang mag-duty malapit sa kanilang mga tirahan bilang bahagi ng polisiyang “work near home.”

“They have to report still to the precincts. We have a contingency plan or security plan so there will be policemen everywhere, and not just on churches and malls, but tourist spots as well, to ensure the safety and security of our kababayans now that Simbang Gabi is set to start next week.”

Sakop ng NCRPO ang Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD), at Eastern Police District (EPD).

Samantala, nilinaw naman ni Danao na papayagan ang community fireworks displays sa New Year celebration sa ilang lugar.

“We authorized this last year and there is a designated area based on the AOR (area of responsibility) and the approval of the LGU (local government unit),” punto pa nito. RNT/FGDC