Yassi, balik Kapuso!

Yassi, balik Kapuso!

November 8, 2022 @ 1:25 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kumpirmasyon mula sa GMA at Viva Entertainment na lang ang kulang, pero maugong ang pagbabalik-istasyon ni Yassi Pressman.

Ito’y via the TV adaptatation of the Eddie Garcia-megged film na Saan Nagtatago ang Pag-ibig?

Matatandaang bigatin ang cast nito led by Vilma Santos, Ricky Davao at ang mentally challenged na si Tonton Gutierrez.

Sino ang makakalimot sa iconic line doon ni Vilma na, “Si Val, si Val…lagi na lang si Val, si Val na walang malay!”?

To play the role of Vilma ay si Yassi samantalang ang gaganap sa mga papel noon nina Ricky at Tonton ay sina Marco Gumabao at Ken Chan.

Nakakaintriga kung sino’ng gaganap bilang Carmen at Pacing played by Gloria Romero and Alicia Vergel, respectively.

But interestingly, may special participation doon si Tonton.

Hindi na bago kay Ken ang gumanap bilang mentally challenged as he had already portrayed a similar role in a GMA afternoon serye years ago.

Ang inaabangang eksena sa TV adaptation ay ang pagpapaligo kay Val.

Willing kayang gawin ito ni Ken if ever papasa sa MTRCB?

Malaking challenge ito kay Ken dahil nagka-award doon si Tonton.

Makabog kaya niya si Tonton sa napakanatural na nuances nito?

At hindi kaya manibago si Marco dahil walang hubaran ang teleseryeng ito?

At si Yassi, ma-impress kaya niya si Ate Vi with her portrayal?

Let’s see. Ronnie Carrasco III