Yassi, nag-throwback sa pagiging extra!

Yassi, nag-throwback sa pagiging extra!

September 29, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ikinuwento ni Yassi Pressman ang hirap na pinagdaanan noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

Sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga ay ikinuwento ni Yassi na nahirapan siyang ma-penetrate ang showbiz kung saan maraming beses na rejection ang kanyang natanggap.

Aniya, nagsimula siya sa pa-extra-extra at umabot pa sa puntong muntik na siyang sumuko dahil pakiramdam niya ay hindi para sa kanya ang showbiz world.

Siya ang breadwinner ng pamilya pero hindi raw talaga sapat ang kinikita niya that time na napakaliit lang. Pinagtapat niya na P1,500 lang ang bayad sa kanya for 3 days of work kaya abonado pa siya dahil kasama na doon ang food, gas, damit. May tax pa raw at siyempre, may commission pa ang manager.

“So, wala kang pambayad ng make-up artist, hair spray, lahat,” aniya.

“So, sabi ko talaga ate, isang araw, pupunta ako sa Starbucks at ‘di nila tatanungin kung ano ang pangalan ko,`Yun talaga,” pagtatapat ni Yassi.

Ibinahagi rin niya na ang pinaka-proud moment niya nu’ng nagsisimula siya ay nang mag-extra siya sa commercial nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Grabe, sobrang saya-saya ko no`n, 40 ang extra nila, isa ako do`n at ‘yun ang proudest moment ko. Sabi ko, ‘yes, nando`n ako sa likod,'” kuwento niya.

Hanggang sa dumating na ang biggest break niya nang isinama siya ng Viva Films sa pelikulang Ang Diary ng Panget with Nadine Lustre and James Reid.

Doon na nagsimula ang pagsikat ni Yassi dahil nagkasunod-sunod na ang project niya at sigurado na kapag pumasok siya sa isang resto ay hindi na tatanungin kung ano ang pangalan niya. Gerry Ocampo