Yassi, nagdusa sa pagpayat!

Yassi, nagdusa sa pagpayat!

November 11, 2022 @ 8:30 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Aprubado sa non-showbiz boyfriend ni Yassi Pressman ang sexy pictorial na ginawa niya bilang 2023 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.

Ayon kay Yassi, “Wala naman siyang sinabi. He’s very happy and supportive.”

Magkahalong sorpresa at karangalan ang na-feel ni Yassi nang makatanggap ng tawag upang ipaalam na siya ang pinakabagong miyembro ng pamilya ng GSM.

“Isang espesyal na karangalan ang mapabilang sa isang kumpanya na gumagawa ng mga produktong world-class at mataas ang kalidad,” pahayag ni Yassi.

Sa pamamagitan ng tema na “Queen of the Barangay,” ipinakilala si Yassi bilang isang

modernong Filipina na kayang sumabay sa hamon ng new normal sa pamamagitan ng pagiging positibo at produktibo.

“Kailangan ko siguro munang i-give-up uh, ang maraming carbs. Hahaha. Uhm, I went to through a big fitness journey this year katulad ng napakita ko na rin naman sa mga tao sa online.

“Uh, it was a lot of discipline for me mentally and physically. But I feel good. I feel happy. I feel healthy and I hope this also, you know, inspires other people also to get back coz’ yun ‘yung you know, ‘yun yung usual na comment na sinasabi nila na parang nagti-thank you sila,” lahad ni Yassi.

Never daw na-magine ni Yassi na magiging Calendar Girl.

“Actually, no. Hindi ko ever na-imagine. Pero when the opportunity came to me, pagkatapos sabi ko, ang ganda-ganda ng brand. It’s been around 188 years and to be chosen is an honor,” pahayag ni Yassi.

Ilan sa mga calendar girls ng GSM since 1988 ay sina Marian Rivera (2009 and 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020) and Chie Filomeno (2022). Julie Bonifacio