Yassi, pinasok ang pagko-comedy, kinabahan sa pagpapatawa!

Yassi, pinasok ang pagko-comedy, kinabahan sa pagpapatawa!

March 11, 2023 @ 11:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ayan na! Pinasok na nga ni Yassi Pressman ang pagko-comedy.

For a backgrounder, surely ay pamilyar ang mga lolo’t lola natin sa pangalang Kurdapya dahil ito ay ginawang pelikula nu’ng 1954 kung saan bumida ang legendary actress na si Gloria Romero. Si Pablo S. Gomez ang sumulat ng kuwento ng Kurdapya na isang nobela sa komiks na sinubaybayan ng ating mga kababayan.

Ngayon naman, ang Kurdapya ay muling binuhay ng TV5 with Yassi as the lead starrer, which will start airing on March 18, 2023.

In its television version, ang role nina Kuring at Daphne na may ginintuang puso at spoiled brat na karakter ang gagampanan ni Yassi.

Ito ay kwento ng dalawang long-lost twins na muling magkakatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon at malalaman ang pagkakaiba ng kanilang buhay.

Sina Marco Gumabao at Nikko Natividad ang kanyang mga kapareha.

Ang Kurdapya ang unang sitcom ni Yassi, pero nagdalawang-isip daw siyang tanggapin ang proyekto dahil hindi niya linya ang pagpapatawa.

“To be honest, sinabi ko po na kung puwede na pag-isipan ko muna? Kasi kinakabahan po ako dahil sa pressure at hindi ko po yata yon forte. Sabi ko, ‘Kaya ko ba?’

“Sinabi nila, subukan na lang daw kaya tineyk ko naman po yung challenge,” kwento ni Yassi.

Inamin ni Yassi na nahirapan siya sa dalawang karakter niya sa Kurdapya kaya bumilib naman sa kanya ang direktor na si Easy Ferrer nang nakayanan niya.

Ang Kurdapya ay co-production venture ng TV5 at ng Viva Television na mapapanood tuwing Sabado ng gabi, 6pm hanggang 7pm sa TV5. JP Ignacio